If you're having issues with our shipping form, please message us. We apologize for this inconvenience.

Common misconceptions about Bible-reading

Mahirap magbasa ng Bible kapag hindi mo alam saan magsisimula. Minsan parang isa siyang bundok na gusto mong akyatin pero titigan mo pa lang sa malayo e parang ayaw mo na humakbang.

May mga common misconceptions ang Bible-reading. Ito ang ilan sa mga kinaya ng brains namin:

1. Masusunog ka kapag nagbasa ka ng Bible.

Nope. Hindi ka masusunog kapag hinawakan mo ang Bible more so, magbasa. Papel lang naman siya at walang apoy sa loob the last time we checked. Unless may napabalita na, please let us know.

Pero tatapatin ka namin, kung minsan may mababasa kang makakasakit ng puso mo. OK lang yan. Hindi pa katapusan ng mundo. Kailangan mo lang talaga maintindihan na ang Bible ay nandiyan para tulungan kang mabago, masakit man o hindi.

2. Hindi siya pwede sa mga hindi "aral" ng Bible school.

Hindi mo kailangan ng medal para magbasa. May iba't ibang interpretations ang Bible. Pero hindi ibig sabihin ay si ganito o si ganyan lamang ang tamang interpretation. Galing kasi siya sa language na kailangan itranslate into our language at grabe ang process.

Kaya nga dapat lalo natin siya binabasa kasi may Holy Spirit na handa tayong tulungan para magets natin siya lalo. Kung hindi natin siya babasahin, hindi natin malalaman anong laman.

Huwag mong isipin na dahil hindi ka "aral" sa Bible school e hindi mo na kayang maintindihan ang Bible. Sina Peter nga, mga mangingisda, ginamit pa rin ng Lord for His ministry kahit hindi sila "aral" sa Torah noong unang panahon. 

Pero don't stop there. Keep on reading and studying para mas madali mong maintindihan ano ba ang ibig sabihin ng mga nakasulat dito.

3. Masyadong malalim yung salita sa Bible, hindi ko magegets.

Actually, itong part na ito, slightly totoo. Pero hear us out.

Nakabasa ka na ba ng text or chat mula sa crush mo? Yung tipong kahit puro typo, gets na gets mo siya? Parang ganun minsan kapag nagbabasa ka ng Bible. For some reason, may kahit hindi nagmamake sense agad, pero may kilig, may excitement, at gets na gets mo, kasi iba yung relationship mo sa nagsulat. Alam mong para sa'yo yun.

So doon papasok ung relationship with the Author. Need mo rin talaga lumapit sa Lord. Pray that the eyes of your heart be opened to understanding. Kasi if hindi mo Siya kikilalanin, hindi mo rin maiintindihan para saan yung mga nakasulat sa love letter Niya. Pero the mere fact na gusto mo mabasa, it's a big leap already.

Minsan naman hindi madali magets agad. Kaya nga kailangan ng help ng Holy Spirit, ng mentors, ng spiritual friends.

Hindi expected na lahat ng passage magegets mo agad. Basta basa lang nang basa.

Minsan nga, kahit taon mo na binabasa yung isang verse, ngayon lang siya nagkakaroon ng linaw sayo. Minsan naman, first basa mo pala, gets na gets na gets mo na na gusto mo nang gumawa ng vlog about it.

4. Kailangan ko ng magandang Bible para makapagsimula.

Hindi ito common misconception pero iaaddress na rin namin.

Kahit nagtitinda kami ng mamahaling Bible, hindi mo kailangan ng ganun para magstart. Kahit may Generics Pharmacy pa yan sa likod, Bible pa rin yan. Pwedeng pwede ka magsimula. Nakaka excite pa nga kasi libre. Di ba? Sinong ayaw ng libre?

5. Nakakaganda ng kutis ang Bible.

Actually, di kami sure if merong nag-iisip nito, nilagay na rin namin para pamparami.

So...

Jump into it

Ngayong alam mo na ang mga normal misconceptions about reading the Bible, sana nakatulong ito sa 'yo. Simulan mo lang. Jump into it.

Kung may hindi ka maintindihan, reach out to others for better understanding.

Mas madali talaga kung may kasama kang nag-aaral ng salita ng Lord. May gets ka, hindi gets ng iba. May gets yung iba, hindi mo gets.

So sa pagsisimula, kung hindi mo pa nasisimulan, we suggest gawin mo lang. Walang mawawala sa 'yo.

Simple suggestion

Normally, para sa mga new believers, ineencourage namin na magsimula sa New Testament. Tapos after nun, Old Testament. Pero OK na OK din kung Old Testament then New Testament. Minsan Proverbs muna. Or Psalms. Kung malakas talaga trip mo, Revelation agad para solid.

Kahit ano pa yan, tandaan mo, it's all about Jesus.

Ang Bible ay isang paghahabi ng isang Master Storyteller para ipakita ang buhay ni Hesus at kung paano Niya tayo sinave sa mga kasalanan natin.

Mas nakakakilig pa yun sa mga love stories sa Wattpad TBH.

Mas maaappreciate mo ang Bible mo kung alam mong si Lord ang bida. Hindi tayo.

Sana makatulong ito.

--

Meron ka pa bang misconceptions na alam na wala dito? Share mo sa comment section. 

If this helped you, feel free to share to others para mas maraming mainlove sa salita ng Lord. Ito nga pala ang isang Bible reading plan. Baka interesado ka.

Isa rin ito sa item na pwede makatulong sayo so understand the Bible (sorry nagtinda pa bigla).

Peace out.

Craft for Christ team